Mandirigma
- SalTicket2Church
- Mar 10, 2019
- 1 min read
Mandirigma,
Habang aking sinusulat
Ang mga kataga
Ay hindi ko mapigil ang luha
Sa pagpatak mula sa mata
Na saksi sa pagsugat ng duguan,
At pagkaladkad ng napilayan.

Mandirigma,
Alam ko'ng ika'y pagod na
Na masabihang manampalataya.
Dahil sa araw-araw na nilikha,
Hinihingi mo ang parang wala
Kinabukasa'y iyon pa rin ang ngawa.
Mandirigma,
Hindi ko kailangan
Na ikaw ay sabihan
Ng sa Haring Kadakilaan.
Alam mo na ang kasaysayan.
Pero iyang lintik na sakit na 'yan,
Ang humubad sa baluti ng katuwiran.
Mandirigma,
Alam mo'ng lilipas din 'yan
At kahit sarili'y di maiintindihan,
Ang Diyos na minumura ng 'yong sakit,
Ay may habag at pag-ibig na di Niya ipagkakait.
Mandirigma,
Ako ang ang siyang luluhod
Kapag di mo kayang dumulog.
Ang Salita ng Hari may gamot o talim,
Masinsin ko'ng iisipin kung kelan gagamitin.
Dahil Mandirigma,
Walang maiintindihan
Ang hindi naranasan
Maging kalaban ang sariling isipan.
Kahit pati ikaw ay di mo kakampi,
Kakampi mo ako at ang Hari.
Comments