top of page
PNG image (1).png

BABASAHIN

Hilo, Huli', Hu'li




Hilo na ako!

Magpaikot-ikot

Paikutin ng balakyot

Paulit-ulit na matakot!


Hilo na ako,

Sa sinasabi nila

Kung saan dapat pumunta

Kung sino ako'ng talaga.


Hilo na ako!

Hilong talilong

Sa maraming bulong

Ng sariling mapagmarunong.


Huli' na 'to!

Hindi na mamamaalam.

Hindi nyo na malalaman

Na malapit na' ko kay Kamatayan.


Huli' na 'to!

Sa dami ko ng napagdaanan

-Ang dami ko ng kamalian

Na nagawa pero di natutunan.


Huli' na to!

Maaring salamin ko'y kapayapaan

Dahil malapit na ako sa himlayan

Pero di nyo na malalaman.


Hu'li Mo ako!

Sabi ko, 'Pagod na ako'.

'Wag Kang makialam dito!'

Sigaw ko ng ilang ulit sa Iyo.


Hu'li Mo ako!

Nakasalampak sa sahig,

Pasan ang daigdig

Hayok sa pag-ibig.


Hu'li Mo ako!

Sabay yakap ng mahigpit.

Pangalan ko'y binangit

Ng may pag-ibig na walang kapalit.


Hilo ako

Pero inilayo Mo sa kalawit.

Huli' man sa mga sagot sa Bakit

Hu'li mo at nilagot ang sa puso ko'ng sabit.

Recent Posts

See All
SARILING Bait

https://m.soundcloud.com/toby-anareta-duag/sariling-bait

 
 
 

Comments


Lets keep in touch.

Follow Me @
  • Facebook - Black Circle
  • Instagram - Black Circle
  • Twitter - Black Circle
bottom of page